MUKHA BA AKONG SANGGANA?

I flew from Manila to Cagayan de Oro last Wednesday to help some friends with the technical aspect of their translation. I'm flying back home tomorrow. Before I left Luzon yesterday, I promised myself that I'm not going to blog anything about this trip because I don't want another Mindanao blog when I just have written one recently. Besides the trip started pretty uneventful. Teka nga't makatagalog para di maintindihan nung iba :)

Si Ginoong Sitaw: Kanina, nagkita kami ng kapatid ko sa SM CDO. Nanood kami ng Mr Bean (na kasabay ay Pirates...). Hindi ako lulong kay Mr. Bean, kumukunot ang noo ko pag pinanonood siya ng mga tao sa bahay. Pero sabi ko kanina, gagawa ako ng isang bagay na imposible kong gawin, isa pa, yun ang gusto ng kapatid ko na nanggaling pa sa Zamboanga del Sur at dinalhan ako ng maiuuwing Wani (hindi mani) at lanzones. Sa kasamaang palad, napatawa naman ako ;) pero hindi yan ang dahilan kung bakit ako napasulat.

Ang Magalang na Guwardiya: Pagkatapos nanood, namili kami ng pasalubong sa mga nakalahad na palad ng mga taong madadatnan ko sa Luzon. Noong pauwi na kami, binigay ko sa taxi driver yung address at sketch nung bahay na tinutuluyan namin. Ito ay nasa loob ng Xavier Estates na kumbaga ay BF Homes sa Manila. Kaninang tanghali, lumabas kami sakay ng taxi na kasama ko ang mga tinuruan kong kaibigan na mga 'puti.' Ang mga guwardiya ay kontodo bati, at sir ken madam amin nga 'o_ _t (nga kuna dagiti kabsat nga Il.) Dahilan sa gusto ko munang makita ng kaunti ang Cagayan de Oro, humiwalay kami sa mga kasama namin.

Ang Kainis na Guwardiya: Lulan ng taxi, binaybay namin ang kahabaan ng... di ko pala alam ang pangalan ng kalsada... basta yung papunta sa Lumbia airport. Paglapit namin sa gate, sumilip ang isang unipormadong guwardiya. Tinanong kung saan kami pupunta. Guess lang kase di naman ako nakakaintindi ng Binisaya. Sinabi ko kung saan. Pumalit naman ang isa pang guwardiya at tiningnan ulit kami. May tinanong na naman na di ko naintindihan. Sinabi ko na galing na ako doon sa loob kanina at lumabas lang kami. Sinabi ko rin na bisita lang ako doon (Halata naman eh, nananagalog ako!) pinapasok na kami. Pag-ikot na naman namin, may guwardiya ulit sa pinasukang isa pang gate. Pinatigil kami at ayaw na kaming patuluyin pa. Kailangan daw naming bumalik sa labas. Tinawagan ko ang kaibigan ko at sinumbong kong the guards are giving me a hard time. Ibigay ko daw ang phone sa taxi driver at kakausapin niya. Yun nga ang ginawa ko habang ang guwardiya ay sumisilip na naman sa loob ng taxi at wari bay kinakabisang maigi ang pagmumukha ko. Sinabi ko sa driver na lumabas na lang kami dahil wala yata talagang balak ang guwardiya na hayaan kaming umikot at tumuloy na doon sa kanto kung saan naroon ang bahay.

So we went out and started all over again. We went to another gate of that subdivision and we were subjected to similar treatment. They took my ID, and asked me questions. I answered all their interrogations with growing impatience. (My sis-in-law had to translate most of it for me. They can't seem to get it that I neither understand nor speak their language cuz they keep throwing questions at me in Visayan.) The taxi driver seemed to be getting embarrassed by the minute. Finally, one guard came back to give me my ID and tell me we can go in but not after asking me, "Ikaw ba ito?" That did me in. I blurted out "Obvious ba?" ng buong katarayan and with all the sarcasm I can find in my system. He must have been startled kase di nakahuma agad. Binitawan na lang ang ID ko at saka sumenyas sa kasama na buksan na ang gate. Subalit ang isa pang guwardiya ay humirit pa at nagkandahaba ang leeg sa pagtingin sa loob ng taxi. Sa buwisit ko, hinarap ko siya at nang di na siya mahirapang sauluhin ang mga gatla sa mukha ko! (Maigi sana kung kaya nakatingin ay dahil nagandahan sa'kin! Hahaha!)

O sige na, andun sila para magbantay, kaya nga guwardiya eh!
Siya, sige na! ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.
Inis lang ako sa mentalidad na hindi pantaypantay ang kanilang trato sa mga tao.
Noong may kasama akong puti, malulutong na Ma'am ang tawag sa akin. Nu'ng puro na lang kami kulay kayumanggi, katakottakot na dusa ang inabot namin at ayaw kaming papasukin!

Pero ganun pala ang pakiramdam ng hindi pagtiwalaan at hindi paniwalaan ang sinasabi!
Grabeeh!
Kinapkapan na lang sana ako at sinagasaan ng metal detector!

I apologized na lang sa driver ng taxi dahil sa inasal kong hindi kagandahan...

Comments

Anonymous said…
Things like that are the norm when language/dialect is the problem. Kaya exercise patience na lang at baka your heart and veins become constricted, hehe....cheers.
G said…
GRRRRRRR!!!!
isa ka pa! di ko kelangan ng advice noh!

Hehehe! mataray pa rin!

may topak pa rin ako! Sorry!

salamat kadi sa comment!

:) pEAce!
admindude said…
hehe marami talagang security guards na ganyan. my take is that they are so disempowered in real life (ang baba ng suweldo, etc.) so they have to act powerful to balance their psyche. ang kawawa tayo na napapagtripan nila :-(
G said…
siguro nga! Feeling BruceAlmighty sila na wala naman sa lugar!
abella said…
was really laughing while reading this blog entry lol. bakit nga ba iba ang treatment pag puti???? Naiintidihan ko ito kasi kahit sa mga malls pag pumasok kami ng asawa ko, mrs ko lang sinasabihan na ma'm o dili kaya ay bibili kami. biro mo naman para akong invisible. brown naman kulay ko kahit papano:) hayyy pilipino talaga. kaya tuwing babatiin nila asawa ko eh, sasabihin ko sa kanya na "di nila ako nakita ah." Anggan od ngo! Hintaltalangawan kita keteg. kamon pay hina-dom men dakita kaitetekel ni kan da na-mo ay "guwardiya to na-mo ngo ma laki?" ha ha ha "apil met anhan ah, ahawa to":(
Anonymous said…
Nakakatawa nga nangyari sa iyo sis, pero hindi ka nag iisa,....
Or maybe because they were expecting something more.....you know.He he he,kaya nexttime na mangyari yun, diretsahin mo kaya sila..

Popular posts from this blog

AT THE ALTAR OF OUR ANCESTORS