SPOKENING DOLLAR??!!
Di ko alam kung matatawa ako sa inis o manenermon ako sa kaasaran dahil sa isang dating kaibigang nagbalikbayan pagkatapos ng halos labim-pitong taong pamamalagi sa bansa ng mga pinaghalong puti at itim. Sino ba naman kase ang ang hindi mabuwibuwisit eh may edad na siya nang iwanan ang Pinas ngunit pagbalik ay hindi na raw marunong managalog? Anak ng tinola! Kung si Rizal pa eh, nangangalingasaw na isda ang katumbas n'yan eh! Heto nga't nangangamoy na rito! Maigi sana kung bata siyang pumunta doon at maari ko pang patawarin. Hindi ba niya alam na nakakabanas lang ang ganoong pag-uugali? Malayo namang kahanga-hanga ang isang taong lumilingon sa pinanggalingan kaysa sa taong ipinanganak dito, saka umalis, at pagbalik ay pinagmamalaki pa rin na siya ay Pilipino.
Hay naku!!!! Puwede ba!?!!!!!! Kahit anong gawin niyang padaanin sa ilong ang Ingles niya, hindi pa rin puputi ang balat niya! Buwisit! Buti sana kung tama ang balarila niya at pagbaybay!
Tawwey ah! Kelay kita kahagil!
Ngeh, bakit ako naha-highblood!?
Hay naku!!!! Puwede ba!?!!!!!! Kahit anong gawin niyang padaanin sa ilong ang Ingles niya, hindi pa rin puputi ang balat niya! Buwisit! Buti sana kung tama ang balarila niya at pagbaybay!
Tawwey ah! Kelay kita kahagil!
Ngeh, bakit ako naha-highblood!?
Comments
On second thought, maybe our beloved Philippines is better off with one less ungrateful former citizen within its lands.